Gaano ba kahaba ang isang minuto?
Huminto ako sa aking ginagawa at tumingin sa kisame.
Konting saglit pa’y lumigid na ang aking mata. Nakakainip.
Ako’y pumikit. Dinama ang bawat paghinga.
Ilang saglit pa’y tumunog na ang alarm para sa isang minuto.
At ako’y napangiti.
Sa loob ng isang minuto, naramdaman kong ako’y humihinga.
Isang bagay na madalas ay hindi ko pinapansin.
Sa loob ng isang minuto, pinaalala sa akin ng katahimikan na ako’y nabubuhay.
Isang bagay na minsan ay hindi ko binibigyang halaga.
Sa loob ng isang minuto, ay may nakausap ako.
Nagagalit? Oo. Malungkot? Medyo. Pero higit sa lahat, siya’y nagpapasalamat.
Nagpapasalamat dahil binigyan ko siya ng oras. Nagpapasalamat dahil siya’y aking pinakikinggan.
Marami pa siyang sinasabi sa akin. At sa pamamagitan ng blog na ito, ay iisa-isahin ko ang mga yon.
Sa pagtunog ng alarm, ako’y napangiti. Salamat sa isang minutong yon.
Masarap pa lang kausap ang sarili.
Salamat at Nakausap Kita
Posted by
Isang Minuto
Friday, April 30, 2010
0 comments:
Post a Comment