Dear Chacha Padilla*

Binago mo ang pananaw ko.


Akala ko dati lahat ng aso, askal. Akala ko dati mga tira tirang pagkain at buto buto lang ang dapat kinakain nila. Dati sobrang nawiwirdohan ako kapag katabi silang natutulog ng mga tao. Akala ko dati tagabantay lang sila ng bahay.

Pero nung dumating ka, nag-iba lahat. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit sobrang napapamahal ka sa mga tao. Ngayon alam ko na kung bakit dapat inaalagaan ka. Ngayon nalulungkot na ako kapag nakakakita ako ng mga askal na walang bahay.

Iba pala talaga ang nabibigay mong saya sa pamilya.

Kahit ihi ka ng ihi sa carpet, kahit kinakain mo yung sarili mong poopoo, kahit sobrang likot mo pag tulog pa kame, kahit kinakagat mo lahat ng tsinelas sa bahay, kahit ang liit liit mo lang, kahit lagi kitang binubully... Sobrang saya lang kase andyan ka.

Naeexcite na ko laging umuwi ng bahay para makita ka at makipaglaro sayo.

Darating ang araw, at mababati ka din namin ng Happy Mothers' Day.

*tawag sa kanya ni Lola

0 comments:

Ang mga manunulat ng blog na ito ay magkakaibigan na lumaki ng may sari-sariling pananaw na nagdesisyong ibahagi ang kanilang mga karanasan sa kung paano nila binibigyang kulay ang magulong iko't ng buhay.